Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

Sharon Cuneta at Helen Gamboa, nagkaayos na pagkatapos ng naging hidwaan

May 7, 2012 3:33pm
Nagkaayos na ang aktres na si Helen Gamboa at ang kanyang pamangkin na si Megastar Sharon Cuneta.
 
Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal nitong Lunes, mismong si Sharon ang nagkumpirma ng pangyayaring ito.

“Oo, okay na ang lahat,” pahayag ng Megastar sa ulat ng PEP.ph.
 
Kamakailan lamang nang napabalita na matagal nang hindi nag-uusap ng dalawa dahil sa mga personal na problema.
 
Gayunpaman, personal na bagay din daw ang pagkaka-ayos ng Megastar sa kanyang tiyahin kaya’t hindi niya ito pinaalam sa kanyang Twitter account.
 
Ayon pa sa kanya, “Sinadya ko talaga na walang makaalam sa Twitter or kahit saan kasi it’s a private thing.”
 
Dagdag pa ni Sharon: “Alam ko naman na ang kakahinatnan nun, paglipas nun, walang pupuntahan yun kundi kami-kami rin naman—we’ll end up together.”
 
Kapatid ni Elaine Cuneta, ang ina ng Megastar, si Helen Gamboa.   
 
Gayundin, hindi raw naging dahilan ang kanilang hindi pagkakaintindihan upang mawala ang pagmamahal ng Megastar sa kanyang tiyahin na itinuturing din nitong ina.
 
Ayon pa kay Mega, “Alam mo, hindi puwedeng burahin ang pagmamahal namin kasi we’re very close at hindi lang yun—mama ko nga siya, di ba?”
 
 Dagdag pa ng aktres, na siya ang nagpakumbaba at masaya rin ito dahil nagkaayos na sila ng kanyang tiyahin.
 
Patuloy pa na pahayag ng Megastar, “If there’s one person in the whole world na mag-iisip na magmamalaki ako and forever ko siyang hindi kikibuin, medyo hindi tama ang pag-iisip nun, kasi hindi naman nila ako pinalaking ganun at kasama siya dun sa nagpalaki sa akin.”
 
Ito naman ang naging pahayag ng  Megastar noong itinanong siya kung kailan sila magkikita ng kanyang tiyahin, “Ay, ‘yan ang hindi ko alam,”
 
“But it’s her birthday tomorrow [May 7]… Mama, Happy Birthday po. Tinext ko na siya,” wika ng aktres.
 
Dagdag pa ng Megastar, “I have to work the whole day… hindi ko alam kung tonight yung birthday [celebration] niya.”
 
Kahit na magkasundo na ang dalawa, ayaw naman raw ng Megastar na may maraming tao sa muli nilang pagkikita.
 
“Ayoko namang first time kaming magkikitang dalawa after a long time, ang daming tao,” sabi na aktres.
 
At bagamat hindi pa nagkikita si Sharon at Helen, sosorpresahin na lang daw ni Megastrar ang kanyang tiyahin isang araw.  — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News