We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nakausap ng showbiz press kamakailan si Ogie Alcasid sa shooting ng Boy Pick-Up (The Movie) sa Quezon City. Dahil siya ang presidente ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit, kinunan na siya ng reaksiyon tungkol sa nangyari kina DJ Mo at Charice na kasapi ng OPM. Sa artikulong ginawa ni Rommel Gonzales na lumabas sa Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Sabado, sinabing nakausap nila si Ogie sa Tomas Morato, Quezon City habang kinukunan ang ilang eksena para sa Boy Pick-Up (The Movie) ng GMA Films at Regal Entertainment Inc. Sobrang busy ngayon si Ogie. Bukod sa Boy Pick-Up (The Movie), may tatlo pa siyang TV shows sa Kapuso Network, ang Bubble Gang, Pare and Pare at Daddy Dearest. Ayon kay Ogie, “technically" ay miyembro nila ang international singing sensation na si Charice, na kamakailan ay nakaalitan ang kontrobersiyal na radio disc jock na si Mo Twister. Nag-ugat ang isyu tungkol sa Twitter hash tag nina Mo sa show na #CharicePempengcoSexTape na naka-offend nang husto sa Pinay singing sensation. Balak pa ngang gumawa ng legal action si Charice tungkol dito. Ayon kay Ogie, “Well, if she approaches us and asks for our help, we’ll help her. “But I know she can do it on her own. “Kasi actually, sa OPM, we offer legal help. But it’s mostly dun sa mga hindi kayang mag-hire ng lawyer. “So ‘pag mero’n silang problema, legal problems na hindi nila kayang matugunan dahil wala silang pambayad… but I’m sure Charice is more than able to…." Pero ang moral support ay handang ibigay ng OPM kay Charice if ever? “Of course! Oh yeah, yeah," mabilis na sagot ni Ogie. “Hindi ko alam ang puno’t dulo ng problemang ‘yan. But obviously, Charice is ballistic about it and very angry so I understand, so… “Pero alam mo ako, lagi ako sa peace, e. Sana hindi na umabot sa hablahan. “Kasi sakit lang ng ulo 'yan, e. But well, sana lumambot din yung puso ni Charice." HOT SHOWBIZ ISSUES. Maraming kaguluhan ngayon sa showbiz 'tulad ng pambubugbog kay Albie Casiño, ang awayan nina Claudine Barretto at Raymart Santiago kay Mon Tulfo at mga kapatid nito, at ito ngang latest na isyu nina Charice at DJ Mo at dalawang female DJs. Ano ang reaksiyon dito ni Ogie? “It’s sad, it’s really sad that we are in the front page. “Ako, lagi kong sinasabi, ‘Let’s just let peace reign.’ Kasi peace will fix everything. “I know egos have been hurt. There has been critical damage on both parties, pero sabi nga ano, e, ‘Let peace reign,’ di ba? “Kasi… let bygones be bygones. Mga bansa nga nagkakagiyerahan, e. “Madaming namamatay, pero kapayapaan pa rin ang hangad kasi wala namang maidudulot yung gulo, e. Sakit lang ng ulo. "Mahirap sabihin kasi hindi naman ako aggrieved party. “But then, ang laking tulong ng peace of mind, di ba?" Wala nga yatang nakakaaway si Ogie? “Si Mo nakaaway ko, pero peace na kami," pag-alala ni Ogie. Ang nasabing “away" ay nang sumama ang loob ni Mo sa pag-i-spoof ni Ogie sa controversial video ni Mo sa Mr. & Mrs. A concert nilang mag-asawa noong Pebrero. May mensahe ba siya para kay Mo? “If he needs me to help him, I will." Hindi ba para siya kay Charice? “No, I’m for peace, that’s what I’m saying. I’m for peace. “If Charice needs our help, we’ll help her, but suma-tutal, kung puwede silang magkabati, gagawin naman namin yun," sabi ni Ogie. -- Rommel Gonzales, PEP