ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Abot sa 100 bahay, nasunog sa Cebu


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tinatayang aabot sa 100 bahay ang nasunog sa Cebu City nitong Biyernes na umabot sa pinakamataas na alarma. Sa ulat ng GMA News 24 Oras nitong Biyernes ng gabi, sinabing nagsimula ang sunog dakong 3:00 p.m. sa Sitio Sto. Nino I sa barangay Luz, Cebu City. Dahil gawa umano sa light materials ang mga kabahayan, mabilis na kumalat ang apoy sa kalapit na Sitio Lubi at Sitio City Central sa Brgy. Luz. Sa lakas ng apoy, inilagay sa pinakamataas na alarma na Task Force Alpha ang insidente. Ibig sabihin, kailangan na ang tulong ng lahat ng bumbero sa lugar. Pagsapit ng gabi matapos ang ilang oras na pagbuhos ng tubig, idineklarang kontrolado na ang apoy. Nagdeklara agad ang lokal na pamahalaan ng lungsod na isailalim sa state of calamity ang barangay upang magamit nito ang pondo sa pagtulong sa mga naging biktima ng sunog. Ang mga nasunugan ay pansamantalang pinatuloy sa Brgy. Luz Gymnasium at Luz Elementary School. Hindi pa malinaw kung ano ang pinagmulan ng sunog. - FRJ, GMA News

Tags: fire, firecebu