GMA News Online Ulat Filipino » Iloilo

4 katao, patay: Kasiyahan sa Iloilo, nauwi sa barilan

May 12, 2012 4:21pm

Bikini show in Iloilo ends in bloodbath
Bikini show in Iloilo ends in bloodbath. A resident lights a candle on the spot where a police officer, a village head, and two others were killed after a bikini show in Tacas, Jaro, Iloilo City turned into a bloody shootout past midnight Friday. Tara Yap
Naging madugo ang kasiyahan sa Iloilo City nang magbarilan ang grupo ng isang pulis at kapitan ng barangay na nag-ugat umano dahil sa hindi binayarang inorder na inuming alak at pagkain.

Lumitaw na naganap ang trahedya sa Iloilo City kung saan ginanap ang “bikini open" nitong hatinggabi ng Huwebes.

Sinisingil umano ng kapitan ng barangay na si Rolando Tabuada ang pulis na si PO3 Jerome Jacolina para na nakonsumo nilang alak at pagkain na umabot sa mahigit P3,000.



Pagkaraan ng pagtatalo, narinig na ang mga putok ng baril. At matapos ang gulo, nakitang patay sina Tabuada, Jacolina, Remy Jacolina, at tricycle driver na si Avelino Savidalas.

“Bigla na lang may nagpaputok kaya nagtakbuhan na kami para maisalba ang aming sarili kasi alam naming nagkakaputukan na," ayon sa isang saksi.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para malaman kung sino ang nagpasimula ng barilan. – FRJ, GMA News




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement