ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

NCRPO, maagang naghahanda para sa pagbubukas ng klase


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Maaga nang naghahanda ang mga pulis sa Metro Manila para sa nalalapit na pasukan sa darating na Hunyo, kabilang na rito ang pagsisiguro sa kaligtasan ng mga mag-aaral at mga magulang ngayong enrollment para sa School Year 2012-2013. Inatasan na ni Metro Manila police chief Director Alan Purisima ang limang distritong nasa ilalim ng kanyang panganganaga na magtalaga ng mga tauhan na magbantay sa mga kolehiyo at pamantasan. Sa ulat ng dzBB radio, pinag-iingat ni Purisima ang mga mag-aaral laban sa mga magnanakaw at snatcher na umaaligid sa mga paaralan. Ayon sa kanya, naghihintay lamang umano ang mga ito ng pagkakataon at handang umatake sa mga mag-aaral na may dala-dalang perang pang-tuition. Sa hiwalay na ulat ng dzRB radio, inihayag ni Purisima na inatasan na niya ang pagtatayo ng mga assistance desk sa mga paaralan. Nauna nang inihayag ng Department of Education ang pagbubukas ng klase sa elementarya at high school sa darating na ika-4 ng Hunyo. — Amanda Fernandez /LBG, GMA News