ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Witness Protection Program at Peligro sa Batang Ina sa 'Reporter's Notebook'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
REPORTER'S NOTEBOOK May 15, 2012 WITNESS PROTECTION PROGRAM Ulat ni Jiggy Manicad Minsang naging sentro ng balita ang mga tinaguriang whistleblower. Matapang nilang isiniwalat ang mga umano'y krimen at katiwaliang kanilang nasaksihan. Ang ilan sa kanila, isinailalim sa Witness Protection Program o WPP ng Department of Justice upang sila ay maprotektahan sa anumang uri ng banta sa kanilang buhay. Pero ang ilan sa kanila, tila kabaligtaran daw ang kinahantungan. Gaano nga ba kaprotektado ang mga nasa witness protection program ng pamahalaan? PELIGRO SA BATANG INA Ulat ni Maki Pulido Sa hirap na kanilang pinagdaraanan, tila nasa hukay nga raw ang isang paa ng bawat inang nanganganak. At ayon sa mga pag-aaral, posibleng doble pa ang peligro kung wala pa sa hustong gulang ang nagsisilang. Ayon sa tala ng Department of Health, sampung ina ang namamatay kada araw dahil sa hindi maayos na pagbubuntis at panganganak. Ang masaklap, karamihan sa mga nasasawi, mga nagdalantao edad 19 pababa. Sa gitna ng nakababahalang datos, patuloy namang tumataas ang teenage pregnancy sa bansa. Sa pag-aaral ng United Nation Population Fund Agency, lumabas na 53 ang nabubuntis sa bawat 1,000 teenager sa Pilipinas, ang pinakamataas sa Southeast Asia. Lumalabas na tumaas ng pitumpung porsyento ang bilang ng mga batang ina sa nakalipas na sampung taon. Paano tinutugunan ng pamahalaan ang isyung ito?
More Videos
Most Popular