ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Aquino tiwalang maaayos ang alitan sa pagitan ng China at PHL
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Inihayag ni Pangulong Benigno Aquino III nitong Lunes na naniniwala siyang maaayos ang nagaganap na alitan sa pagitan ng Pilipinas at China.
“It’s still too early to say na lumiwanag na ang sitwasyon pero at least medyo mas nalalapit tayo doon sa pagliwanag ng sitwasyon at pag-resolba nga nito using diplomatic means which was what we stated from the very beginning,” ani Aquino.
Matapos ang kanyang pagdalo sa Mindanao Rural Development Program 2- People's Organization Congress sa Davao City, inihayag ni Aquino sa mga mamamahayag na kasalakuyang nag-uusap ang dalawang bansa upang maayos ang isyu.
“May pinatutunguhan ‘yung pag-uusap, parang medyo lumabo for a while pero ngayon ay mukhang nagkakaroon ng liwanag,” ani Aquino.
Dagdag nito, kasalakuyan pang nagsasagawa ng ilang legal na pamaraan upang malutas ang isyu.
“Hinihintay pa natin ‘yung nag-aaral. Kasi binigyan ng terms of reference recently ni (Foreign Affairs) Secretary (Albert) Del Rosario itong ating legal consultants and they will be coming back to us after they finish their study,” aniya.
Fishing ban
Samantala, sinang-ayunan ni Aquino ang desisyon ng gobyerno ng China na magpatupad ng fishing ban sa South China Sea sa araw ng Mayo 16 hanggang Agosto 1.
“Kung mag-i-impose sila ng ban doon sa mga kababayan nila na sila ang nagha-harvest ay bakit hindi natin iwe-welcome ‘yang ban na ‘yan, ano? Makaka-recover lalo na itong Panatag Shoal. So thank you kung i-impose nila doon sa mga tao nila dahil sa totoo lang mas konti ‘yung ating mangingisdang nagpupunta diyan,” aniya.
Ayon sa kanya, maliliit lamang naman ang mga bangkang gamit ng mga Pilipinong mangingisda sa lugar.
Ayon kay Aquino, nakatanggap siya ng mga ulat mula sa Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) tungkol sa epekto ng paghuli ng mga giant clam sa Panatag Shoal.
“Naapektuhan na ‘yung Scarborough Shoal–something about the discoloration of the water–I’m not a marine aquaculturist so I’m not that conversant with the details. But there seems to have been damage already inflicted so ‘yung… there’s damage, we want to help the ecosystem recover, and a ban would help in the recovery process,” aniya.
Upang mapigilan ang mga Pilipinong mangingisda na pumunta sa Panatag Shoal, nagsagawa ang BFAR ng pamaraan upang mas maging mabuti ang fishing conditions sa Masinloc at sa iba pang bahagi ng Zambales at Pangasinan.
Habang pabor si Aquino sa fishing ban, tinaliwas naman ito ni Del Rosario.
"Our position is we do not recognize China’s fishing ban in as much as portions of the ban encompass our EEZ. But the President has decided that–in view of the accelerated depletion of our marine resources, it would be advisable for us to issue our own fishing ban for a period of time to replenish our fish stock," ani Del Rosario.
PHL ambassador sa China
Samantala, hindi pa nakakapili ng panibagong ambassador para sa China si Aquino upang palitan si Domingo Lee, na humiling na bawiin ang kanyang nominasyon.
“I’m interviewing people pero I haven’t chosen a singular entity. We’re trying to accelerate that process,” ani Aquino.
“Given the complexities of our relationship with China right now, it has to really be somebody who is the best that we can produce,” dagdag pa niya. —AF/VS, GMA News
More Videos
Most Popular