ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Budget Babe: Flower Queen of the Dance Floor sa 'Fashbook'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
FASHBOOK
Airing date: May 16, 2012 

Ngayong Miyerkules sa Fashbook, sasabak naman sa komedya ang host na si Solenn Heussaff. Bibigyang buhay niya ang nakatutuwang karakter ni Mommy D, ang ina ng sikat na boksingero na si Manny P.
Makakasama rin ni Solenn ang kanyang mga kumareng sina Tita Anabil na gagampanan ni Albert "Betong" Sumaya, Michelle O Bombshell at Ate Reg. Ang rason ng kanilang pagtitipon? Bibigyan ni Mommy ang kanyang mga kumare ng isang malaking challenge. Dahil ang Mayo ay buwan ng mga bulaklak, ang challenge ni Mommy D sa kanyang mga kumare ay gumawa ng isang pang-ballroom dancing na kasuotan na ang dekorasyon ay gawa lamang sa mga bulaklak. Mula sa "bahay" ni Mommy D sa Quezon City, kinakailangan ng tatlong challengers maglakbay patungo sa isang sikat na flower market sa Maynila, ang Dangwa Market. Mayroon lamang P700 na budget ang bawat challenger at sa halagang ito dapat mabili na nila ang lahat ng kakailanganin nilang bulaklak para sa kanilang kasuotan. Pagkatapos nilang mamili, mayroon naman silang thirty minutes para ayusin at lagyan ng dekorasyon ang kanilang mga ballroom gown.
Sino kaya kina Ate Annabil, Michelle O Bombshell at Ate Reg ang pinakamabilis mamili? Sino naman ang pinakamagaling tumawad? Sino kaya ang tatanghaling Budget Babe: Flower Queen of the Dance Floor? Abangan ang kakaibang fashion challenge sa Fashbook ngayong Miyerkules, ika-sampu ng gabi sa GMA News TV.
Tags: plug
More Videos
Most Popular