ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Frat war, sinisilip na motibo sa pagpatay sa anak ng alkalde ng Carcar, Cebu


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Away ng dalawang fraternity ang isang anggulo na tinitingnan kaugnay sa pagbaril at pagpatay sa anak na lalaki ng alkalde ng Carcar City sa lalawigan ng Cebu. Sa ulat ni GMA-Cebu reporter Greggy Mandadaro sa Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV, sinabing miyembro ng Alpha Kappa Rho fraternity ang nasawing si Carl Vinson Apura, 24-anyos. Si Carl ay sinasabing bunsong anak ni Carcar City Mayor Nicepuro Apura. Madaling-araw nitong Linggo nang barilin ang batang Apura habang dumadalo sa pasayaw sa Brgy Valladolid. Hinala ng kuya ni Carl, posibleng miyembro ng isang fraternity ang nasa likod sa pagpatay sa biktima. “Nang matapos ang pangyayari, nag-motorsiklo sila para siguro tingnan kung namatay ba o hindi ang kapatid ko," ayon sa kapatid ng biktima. Dalawang miyembro ng isang fraternity ang inimbitahan ng pulisya kaugnay sa nangyaring krimen. Pero iginiit nila na wala silang kinalaman sa nangyaring krimen. Dahil sa kawalan ng ebidensiya, pinayagan din sila ng pulisya na makauwi. -- FRJ, GMA News