GMA News Online
Ulat Filipino
»
Balitang Pinoy

Empleyado ng gobyerno, matatanggap na ang kalahati ng kanilang year-end bonus

May 16, 2012 2:28pm
Dapat natanggap na ng mga empleyado ng gobyerno ang kalahati ng kanilang year-end bonus para sa kasalukuyang taon, ayon sa Department of Budget and Management.

Ayon kay DBM Secretary Florencio Abad, nakasaad sa Budget Circular 2010-1 sa probisyon ng year-end bonuses at cash gifts na matatanggap simula Mayo 15 ang bonus.

All government workers should have received half of their 13th-month pay and cash gift by May 15. This covers all agency and civilian employees, military and uniformed personnel, and all barangay officials and employees,” ani Abad.

Sa ilalim ng 2012 General Appropriations Act (GAA), P20.6 bilyon ang nakatalaga para sa mga bonus at incentive ng lahat ng mga departamento at ahensya ng gobyerno.

Inilabas ang kabuuang halaga ng DBM sa unang working day ng taon, kasama ang ibang budgetary items ng Agency Budget Matrices (ABMs) ng bawat departamento.

Ayon kay Abad, kabilang sa circular ang mga opisyal at empleyado ng state universities at colleges (SUCs), government owned o controlled corporations (GOCCs), government financial institutions (GFIs), at local government units (LGUs).

Ang year-end bonus, na ipinapamahagi ang kalahati nito bago ang buwan ng Hunyo, ay katumbas ng isang buwang sweldo.

Maliban dito, makatatanggap din ang mga empleyado ng gobyerno ng 50 percent ng annual cash gift na nagkakahalaga ng P5,000 bawat empleyado.

Nilinaw naman ni Abad na ang mga empleyado na nakapagbigay ng apat na buwan na serbisyo (at mahigit pa) mula Enero 1 hanggang Abril 30 ang makatatanggap ng midyear bonus.

Maibibigay ang kalahating bonus sa pagtatapos ng buwan, ngunit hindi mas maaga sa Nobyembre 15, 2012.

Ayon kay Abad, nakasaad sa 2012 GAA na ibabawas ang midyear perks at cash gifts ng ahensya at empleyado ng SUC sa kanilang agency appropriations.

Samantala, ibabawas naman ang mga bonus ng GOCC at GFI empleyado sa kanilang corporate funds, habang kukunin naman ng mga manggagawa ng LGU ang kanilang benipisyo sa pondo ng kanilang lokal na pamahalaan. Amanda Fernandez /LBG, GMA News



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus