ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Julie Anne San Jose, concert sa Hard Rock ang estilo ng pagdiriwang ng kanyang birthday


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa Mayo 17 pa ang ika-18 kaarawan ng singer-actress na si Julie Anne San Jose ngunit ngayong Miyerkules, Mayo 16, ang birthday concert nito sa Hard Rock Café.   Ayon sa ulat ni John Fontanilla ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), kakanta ng mga covers at original songs si Julie Anne sa kanyang thanksgiving concert.   Special guest niya dito ang mga Kapuso singers na sina Jay-R at Kris Lawrence.   Nang itinanong ito kung kasama rin ang ka-love team nitong si Elmo Magalona, ito ang kanyang naging pahayag: “Surprise po, e.”   Simple lamang daw ang ika-18 na kaarawan ni Julie Anne kasama ang kanyang pamilya at mga malalapit na kaibigan.   Bukod dito, wala pa rin daw naiisip na regalo si Julie Anne para sa kanyang sarili, bagkus gusto naman nitong makapagpatayo ng bahay ngayong taon, ayon sa kanya.   Maliban sa kanyang birthday concert, mayroon ding tinatapos na music album si Julie Anne.   Mayroong siyam na original songs at isang bonus track ang album.   Umaasa rin ito na maging successful ang launch ng kanyang album na possible ngayong Hunyo ayon sa aktres.   Aniya, “Sana lang maging successful po yung album ko. Positive tayo lagi.”   Puspos naman ang pasasalamat ni Julie Anne dahil sa atensyong binibigay sa kanya ng Kapuso Network.   "I’m so honored and glad na nabibigyan po ako ng GMA ng attention and super opportunities,” pahayag ni Julie Anne.   Nagugulat din daw si Julie Anne dahil madalas ang pagtrending niya sa Twitter, isang social networking site.   Sa katanuyan, nagugulat daw ito tuwing binubuksan niya ang kanyang Twitter account.   Wika pa nito, “Actually ‘pag nagtse-check nga po ako ng Twitter… everytime nagbubukas ako ng Twitter, nagugulat po ako.”   Bibida rin sa pelikulang ‘Just One Summer’ si Julie Anne, at kasama niya rito ang kanyang ka-love team na si Elmo Magalona. — Mac Macapendeg/ELR, GMA News