ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Ruffa Gutierrez, 'dating detox' daw muna at ayaw pang makipagrelasyon
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
"Officially single" na ngang maituturing ang aktres at TV host na si Ruffa Gutierrez matapos maging pinal ang annulment ng kasal nila ni Yilmaz Bektas.
Pero ayon kay Ruffa, "dating detox" muna siya at wala sa kanyang plano ang pumasok ngayon sa panibagong relasyon.
Sa panayam sa kanya ng programang "Powerhouse" ng GMA News TV, sinabi ni Ruffa na gusto muna niyang ipahinga ang kanyang puso.
"I plan to have a love sabbatical," sabi niya. "I have to keep my focus. Marami akong plano for this year."
"I've been in one relationship after the other, so I think it's also a good experience kung papaano mai-rest ang ating puso. Kasi it's been one crazy cycle after another," dagdag niya.
Sa ngayon, gusto raw muna niyang masubukan na manahimik at mapag-isa.
"Lahat ng mga nakakausap kong friends ko, all the time they're always crying, they're always sad. May mga problema sila sa mga husband nila, sa mga boyfriend nila," sabi niya. "I'm so happy na wala akong pinoproblema kundi ang sarili ko at mga anak ko."
Sa ngayon, prayoridad daw muna ni Ruffa ang kanyang dalawang anak na sina Lorin at Venice. Dito raw siya kumukuha ng lakas.
"For me, a lot of my decisions really have to do with them - why I will do a certain thing or why I will not do a certain thing, it's really because of Lorin and Venice," sabi niya.
Ruffa at Yilmaz, in good terms pa rin
Kasabay ng annulment ng kasal nina Yilmaz at Ruffa, binigyan din ng korte si Ruffa ng sole custody sa kanilang dalawang anak.
Pero ayon sa aktres, maaari namang bisitahin ni Yilmaz ang mga bata kung gusto nito.
Sinabi rin niyang "in good terms" sila ng dating asawa. Tumatawag daw ito para makipag-usap sa kanya at sa dalawa nilang anak.
"Nakaka-miss din naman siya, 'yung bonding na nakikita ko between Lorin and Venice and their father," sabi ni Ruffa.
Dagdag niya, ni minsan daw ay hindi niya siniraan si Yilmaz sa mga anak nila.
"At the end of the day, they must respect him. Yilmaz is still their father. Kaya lahat ng magagandang katangian ni Yilmaz, yun ang kinukwento ko sa kanila," sabi niya.
Yilmaz, 'true love' pero hindi 'forever love'
Nang tanungin kung pinagsisisihan niya ang naging kasal nila ni Yilmaz, sinabi niyang wala siyang pinagsisisihan dahil noong ikinasal sila, tunay na pagmamahal daw ang ibinigay niya sa dating asawa.
"Siguro si Yilmaz masasabi kong siya 'yung true love ko, pero hindi siya 'yung forever love ko," sabi ni Ruffa.
Kung ganoon, may puwang pa ba si Yilmaz sa puso ni Ruffa?
"Wala na. He'll just forever remain my one true love and the father of my kids," sabi niya. — Candice Montenegro/FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular