GMA News Online Ulat Filipino » Iloilo

Ina, tumalon sa barko para sagipin ang nahulog na anak sa dagat

May 18, 2012 10:20pm

Isang trahedya ang naganap sa isang barko habang naglalayag sa karagatang sakop ng Capiz at Mindoro nang mawala sa dagat ang tatlo nitong pasahero, kabilang ang isang tatlong taong batang gulang na lalaki.

Sa ulat ni Carol Velagio ng GMA-Iloilo sa Balita Bilipinas Ngayon nitong Biyernes, sinabing naglalayag nitong madaling-araw ng Miyerkules ang Starlight Atlantic na patungong Caticlan, Aklan, nang maganap ang trahedya sa mag-inang Joanna Marie Realizo at anak na si Jonas Tubonggan, 3-anyos.

Nasa deck umano ng barko ang mag-ina nang mabitawan ni Joanna ang anak at mahulog sa barko.



Dahil sa pangyayari, tumalon din sa barko ang ina upang sagipin ang anak.

Isang pasahero naman na kinilalang si Jonel Montanes ang nakakita umano sa pangyayari ang tumalon din sa dagat para sagipin ang mag-ina.

Sa kasawiang-palad, hindi pa rin umano nakikita ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard at Starlight Atlantica ang tatlong nawawala.

Hindi umano kasama ng mag-ina sa barko ang ama ng bata na si Joemar Tubonggan.

Sa tulong ng Department of Social Welfare and Development, naibalik kay Joemar ang isa pa nilang anak ni Joanna na naiwan nito sa barko.

Sinabi ni Joemar na ipinaliwanag sa kanya ng PCG na walang pananagutan ang kumpanya ng barko sa nangyaring trahedya dahil nagkaroon ng pagkukulang si Joanna sa pangangalaga sa kanilang anak habang nasa deck. – FRJimenez, GMA News




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement