ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

BFP, magiinspeksyon sa mga paaralan at dorm bago magsimula ang school year


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sisimulan na ng Bureau of Fire Protection ang pag-inspeksyon sa mga gusaling pampaaralan at mga dormitoryo ng mga estudyante upang masigurong handa sila sa panibagong taon ng pag-aaral, inihayag ng BFP chief nitong Linggo. Ayon kay BFP officer-in-charge Chief Superintendent Samuel Perez, inatasan na niya ang kanyang mga tauhan na magsagawa ng inspeksyon sa mga paaralan, unibersidad, kolehiyo at mga student boarding house upang malaman kung sinusunod ng mga ito ang Republic Act 9514 o ang Revised Fire Code of the Philippines. Inatasan niya ang mga regional at field director na tingnan kung mayroong fire alarms, automatic fire suppression systems, smoke detectors, fire exits, fire extinguishers at mga daanan patungong fire exits ang bawat gusali. “We will conduct our evaluation thoroughly. Even the smallest fire safety violation shall be checked considering that what is at stake here is the safety of our people,” ani Perez nitong Linggo. Dagdag nito, intasan niya ang fire bureau na isaayos ang mga paglabag ng management sa tamang fire safety sa mga paaralan at dormintoryo. Ayon kay Perez, inatasan na niya ang kanyang mga tauhan na magpasa mga ulat sa violations at compliance sa kanyang opisina bago o sa araw ng Mayo 25. Samantala, inatasan na ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo ang BFP na pagsikapin ang pagsisiguro ng kaligtasan ng milyong mga mag-aaral na magsisimula ng kanilang mga klase sa susunod na buwan. “The fire bureau should exert all efforts to guarantee the safety and security of our students,”  aniya. Noong nakaraang Marso, nagkaroon ng sunog sa Chang Kai Shek College sa Manila dahil sa malfunction ng air conditioning o ng laptop. Walang namatay o nasaktan dahil sa insidente.   Noong Enero naman ay isang dormitoryo sa Maynila ang nasunugan ngunit walang namatay o nasaktan sa insidente. — Amanda Fernandez/ELR, GMA News