ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Banta ng Hidwaan at Chief Justice on Trial sa 'Reporter's Notebook'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
REPORTER'S NOTEBOOK May 22, 2012   THE CHIEF JUSTICE ON TRIAL Ulat ni Jiggy Manicad Sa ika-apatnapung araw ng impeachment trial, naganap ang pinakahihintay ng marami - ang pagsalang sa witness stand ng nasasakdal - si mismong Chief Justice Renato Corona. Ano ang kanyang magiging kasagutan sa mga paratang sa kanya?   BANTA NG HIDWAAN? Ulat ni Maki Pulido Isa sa mga bansang may pinakamalagong ekonomiya at sinasabing posibleng maging world's leading superpower ang bansang China. Itinuturing ito bilang ikatlo sa pinakamalalaking trading partner ng Pilipinas sa buong mundo. Katunayan, sa datos ng National Statistics Office nitong Marso, umabot sa halos tatlumpung bilyong piso ang halaga ng ini-export na produkto ng bansa papuntang China. Isa sa mga produktong ini-export ang mga saging mula sa Mindanao. Ayon sa Department of Agriculture, umaabot sa pitumpung milyong kahon ng saging taon-taon ang dinadala sa China. Pero tila nanganganib daw ngayon ang industriyang ito dahil sa nangyaring pagharang sa tone-toneladang kahon ng saging ng China mula Pilipinas. May mga kongkretong plano ba ang pamahalaan para sa pagpapatatag sa bansa sa pangkalahatan?