ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ikalawang gabi ng concert ni Lady Gaga, pinayagang matuloy


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Pinayagan nang matuloy ang ikalawang gabi ng concert ni Stefani Joanne Angelina Germanotta, na mas kilala bilang Lady Gaga, ngayong Martes ng gabi.
 
Pumayag si Pasay City Mayor Antonio Calixto na matuloy ang ikalawang gabi ng concert sapagkat wala umanong naganap na "violations" sa concert permit, ayon sa ulat ng radio dwIZ nitong Martes ng hapon.
 
Ayon kay Calixto, nasunod ng concert ogranizers ang mga kondisyon sa permit ng dalawang-araw na concert sa SM Mall of Asia simula noong Lunes ng gabi.
 
Sa naunang ulat ng dzBB, nakabase sa ipapasang ulat ng monitoring team ng Pasay City government  kung matutuloy pa ang ikalawang gabi ng concert.
 
Sa pamumuno ng abugadong si Glenn Agranzamendez, ipapadala ng grupo ang ulat kay Mayor Antonio Calixto ngayong Martes.
 
Nauna nang pinaalala ni Calixto sa organizers ng concert na ipinagbabawal ang obscenity at ang paglabag sa sensibilities ng mga manonood.
 
Sa nagdaang weekend, nanawagan ang mga konserbatibong religious group na pigilan ang pagdaos ng concert sapagkat "anti-Christian" umano ang lyrics ng ilang mga kanta ni Lady Gaga.
 
Sa kabila ng pagprotesta, kinanta pa rin ni Lady Gaga nitong Lunes ng gabi ang kontrobersyal niyang kantang "Judas." Ayon sa kanyang mga kritiko, ang kantang ito ay pumupuri sa disciple na tumaksil kay Kristo. — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News
Tags: ladygaga