ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
70-anyos na lola, huli sa pagbebenta umano ng marijuana
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Todo ang pagmamakaawa ng isang 70-anyos na lola sa mga awtoridad matapos siyang mahulihan umano ng ilang pakete ng marijuana sa isinagawang buy-bust operation sa Dagupan, Pangasinan. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Martes, sinabing binentahan umano ng lola ng 30 pakete ng marijuana ang police asset sa isinagawang buy-bust operation. Inamin naman ng lola ang nagtutulak siya ng marijuana. Pero nagawa lang daw niya ito para may magamit na pera sa pagpapagamot ng kanyang anak. Sa Kapangan, Benguet naman, isang lalaki ang nahulihan umano ng isang sako ng marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P1 milyon. Itinanggi ng lalaki ang naturang akusasyon ng pulisya. – FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular