ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Pahiyas, pancit habhab, longanisang Lucban, atbp, tampok sa Motorcycle Diaries
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
BIYAHENG QUEZON Airing date: May 25, 2012 8pm Sa lalawigan ng Quezon mo raw mararanasan ang isa sa pinakamakulay na pistang Pinoy – ang Pahiyas Festival! Angkas na sa ating bagong paglalakbay para makisalo sa pagdiriwang na ito na bahagi ng tradisyon ng mga taga Lucban Quezon. Sa kauna-unahang pagkakataon bibihisan at isasali ang motorsiklo ni Jay Taruc sa parada ng Pahiyas Festival. Dadayuhin na rin ang iba pang pista sa lalawigan na kasabay na ipinagdiriwang sa Pahiyas Matitikman ang ipinagmamalaking pagkain ng Quezon tulad ng longanisang Lucban, pancit habhab at broas! Siyempre, hindi palalagpasin ang sarap ng naglalakihang mud crabs o alimango. Aalamin din kung paano sila pinararami at inaalagaan sa Calauag Quezon. At para makumpleto ang foodtrip, titikman ang inuming may kakaibang sarap at sipa – ang lambanog! Tutuklasin kung paano ito ginagawa mula sa bunga ng puno ng niyog. Babalikan din ang mayamang kasaysayan ng lalawigang ipinangalan sa ating dating pangulo at bibisitahin ang mga lugar na nag-iwan ng aral at bakas ng nakaraan. Kaya samahan na si Jay Taruc sa biyaheng Quezon ngayong Biyernes sa Motorcycle Diaries, 8 pm sa GMA NewsTV Channel 11!
Tags: plug
More Videos
Most Popular