ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jessica Sanchez panalo pa rin sa puso ng mga Pilipino


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Bagama’t hindi pinangaralan bilang bagong American Idol si Jessica Sanchez, maligaya pa rin ang mga Filipino fans nito sa naabot ng Filipina-Mexican-American sa buong kompetisyon.
 
Pinangaralan si Phillip Phillips bilang bagong American Idol sa naganap na finale ng "American Idol" Season 11 sa Nokia Theater sa Los Angeles, California ngayong Huwebes (Miyerkoles sa USA). 
 
Si Jessica Sanchez ang katunggali ni Phillips para sa season finale ng naturang singing competition.
 
At bagama’t hindi nagwagi ang pambato ng Pilipinas na si Sanchez, masaya pa rin ang mga Pinoy sa pagkapanalo ni Phillips.
 
Sa Twitter nagpahayag ang mga kilalang personalities dito sa Pilipinas ng kanilang mga saloobin ukol sa katatapos lang na season finale. –Mac Macapendeg/KG, GMA News