ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Kwentong Kapuso: Bandila’y Iwagayway


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Bandila’y iwagayway,
Sa mga Pilipinong mahuhusay,
Sa iba’t-ibang larangan,
Handog sa bansa’y karangalan.
 
Bandila’y iwagayway,
Sa mga taong wagas kung magbigay,
Ng tulong sa nangangailangang kapwa,
Nasa puso ang pagmamahal at sila’y dakila.
 
Bandila’y iwagayway,
Sa mga manggagawa sa ibang bansa,
Perang pinaghihirapan at ipinapadala sa pamilya,
Maibigay ang pangangailangan at buhay ay maging kaaya-aya.
 
Bandila’y iwagayway,
Sa mga gurong tunay
Pagtuturo’y walang humpay,
Sa mga mag-aaral upang matuto sa buhay.
 
Bandila’y iwagayway,
Sa mga huwarang Pinoy,
Na nagsisilbi sa ating pamayanan,
Kabutihang-loob sa kapwa ang katangian.
 
Bandila’y iwagayway,
Sa mga sundalong nag-aalay ng buhay,
Para sa kapakanan ng ating sariling lahi,
Maipagtanggol tayo at kapayapaan ay mananatili.
 
Bandila’y iwagayway,
Sa Natamong tagumpay,
Ika-114 na Kalayaan ng Pilipinas,
Pagmamahal naming sa iyo ay wagas.
 
Labis ang nadaramang kasiyahan,
Pilipinas ika’y nararapat handugan,
Ng mga Pilipino na may tinataglay na kagalingan,
Nagbibigay karangalan para kay Inang Bayan.
 
MABUHAY TAYONG LAHAT!!!!! — Isinulat ni Maria Paz Samelo