GMA News Online
Public Affairs
»
Wish Ko Lang

Wish Ko Lang

Kaibigan Hanggang sa Huli at Pangungulila ni Lolo Rolando sa 'Wish Ko Lang'

May 26, 2012 11:51am

Airing Date: May 26, 2012

     Sina Janella at kanyang mga kaibigan ay pupunta lang dapat sa computer shop, pero sila ay nagkayayaan na sadyain na lang ang lawa ng Taal para mag-swimming. Madalas naman nilang ginagawa itong magkakaibigan, pero sa kasamaang palad, naging trahedya ang araw na iyon para sa kanila. Nalunod ang isa sa kanila, pero agad na iniligtas ito ng katorse anyos na si Janella. Ngunit sa kanyang pag-adya sa barkada, siya naman ang nalunod at tuluyang binawian ng buhay.

     Para naman kay Fatima, wala nang hihigit pa sa kasipagan at pagiging mapagbigay ng kanyang Lolo Rolando. Kahit daw kasi sitenta’y anyos na ito, sige pa rin sa pagta- trabaho--- kahit nga halos mapasma at bumigay na ang mga binti’t paa sa 2 kilometrong paglalakad araw- araw. At sa kabila ng maigting niyang pagnanais na umuwi sa probinsya upang makapiling ang mga kaanak, isinantabi ni Lolo Rolando ang pansariling kaligayahan para sa kapakanan ng kanyang mag- iina.

     Tunghayan ang kuwento ng kabayanihan ni Janella.  Alamin kung may kapalit ba ang matagal na pagsasakripisyo at pagtitiis ni Lolo Rolando? Abangan sa ‘Wish Ko Lang!’ kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Startalk sa GMA-7.




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Wish Ko Lang on Facebook
Wish Ko Lang on Twitter
advertisement
advertisement
advertisement