ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Tulong sa Pinay na hinatulan ng bitay sa Malaysia, tiniyak ni Binay


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tiniyak ni Vice-President Jejomar Binay na gagawin ng pamahalaan ng Pilipinas ang lahat para matulungan ang Pinay na pinatawan ng parusang kamatayan ng korte sa Malaysia dahil sa pagpupuslit umano ng 1,126.9 gramo ng cocaine. Sa isang pahayag nitong Martes, sinabi ni Binay, presidential adviser on overseas Filipino workers (OFW) affairs, na inatasan niya si Philippine Ambassador to Malaysia Ed Malaya na ibigay ang lahat ng tulong para kay Eliza San Gabriel. "The Ambassador has assured me that the Philippine embassy will assist Eliza in filing her appeal before the proper court," ayon sa pangalawang pangulo. "I ask everyone to pray for her, and I appeal once again to our kababayans to be more prudent if asked by strangers to carry their luggage," dagdag niya. Si San Gabriel, 45-anyos, ay hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng pagbitay nitong Lunes. Sinabing ipinuslit niya ang iligal na droga sa Puduraya Bus Terminal sa Kuala Lumpur, Malaysia noong 2009. Muli namang nanawagan si Binay sa mga Pilipino na huwag tanggapin ang mga pakiusap na magdala ng kargamento kapalit ng malaking halaga. “I strongly urge them not to be enticed by the promise of quick financial gain. It is not worth risking your liberty or life," payo ng opisyal. - FRJ, GMA News