GMA News Online Ulat Filipino » Iloilo

Kapitan ng barangay sa Iloilo, patay sa pamamaril

May 29, 2012 9:30pm

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang kapitan ng barangay sa Cabatuan, Iloilo matapos siyang pagbabaril nitong Lunes.

Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Martes, sinabing galing sa pasayawan si Brgy. Captain Felix Muel Jr., ng Pamuringao Proper, at pasakay na sa kanyang pick-up truck nang barilin ng suspek.



Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, sinabi ni SPO1 Veto Bastiero, chief investigator ng Cabatuan police, lumutang ang pangalan ng magkapatid na Ryan at Byan Robles bilang mga suspek.

Ayon kay Bastiero, posibleng nagtanim daw ng galit ang dalawa nang ipatawag ni Muel at pagsabihan dahil sa mga nagagawang kasalanan sa kanilang lugar.

Sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis, nahuli si Byan pero itinanggi niya ang paratang na may kinalaman siya sa pagpatay sa biktima. - FRJ, GMA News