Mahigit 6,000 guro ang kakulangan sa mga paaralan sa Davao Region
May panibagong 100 guro na madadagdag sa puwersa ng mga magtuturo sa mga kabataang mag-aaral sa Davao City sa darating na pasukan. Pero sa kabuuan ng Davao Region, aabot sa 6,188 guro ang kakulangan sa mga pampublikong paaralan.
Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Martes, sinabing batay sa talaan ng Department of Education (DepEd-Region 11) noong 2011, aabot sa 1,278 guro ang kailangan para sa kindergarten. Samantala, 2,029 guro pa ang kailangan sa elementarya at 2,881 naman sa high school.
Sakop ng Region 11 ang Compostela Valley, Davao City, Davao del Norte, Davao del Sur at Davao Oriental.
Ayon kay Davao City Mayor Sara Duterte, ang 100 bagong guro na kinuha ng lokal na pamahalaan ay dagdag na puwersa sa 390 guro ngayon sa lungsod.
Sinabi ni Helen Paguican, Division Superintendent ng DepEd-Davao, malaking tulong ang dagdag na 100 guro lalo na ngayong ipatutupad ng pamahalaan ang K+12 Program. - FRJ, GMA News

Top Stories
advertisement
advertisement
advertisement