Kongresista na hinatulang 'guilty' sa pagpatay sa misis, inalis na sa listahan ng Kamara
Pinirmahan na umano ni Speaker Feliciano Belmonte Jr., ang kautusan na nag-aalis sa pangalan ni Dinagat Island Rep. Ruben Ecleo Jr. bilang miyembro ng Kamara de Representantes. Ayon kay Belmonte, nakasaad sa kautusan ang pagbibigay direktiba kay House Secretary General Marilyn Yap na alisin na si Ecleo sa listahan ng mga kongresista simula nitong Biyernes. âl signed an order to the secretary general to drop Ecleo from the roll of members effective May 31. The final appeal in the third case looked pro forma to us with scant chance of being granted," paliwanag ng lider ng Kamara. Nitong Abril, hinatulan ng Cebu City Regional Trial Court na guilty si Ecleo sa pagpatay sa kanyang misis na si Alona na naganap noong 2002 sa nabanggit na lalawigan. Hinatulan ng korte si Ecleo na makulong ng hanggang 40 taon sa kasong parricide. Ngunit hindi naipatupad ang hatol dahil sa pagtatago nito sa batas. Bukod dito, may kinakaharap ding kasong katiwalian si Ecleo sa Sandiganbayan. Ayon naman kay House Majority Leader Rep. Neptali Gonzales II, sapat na ang pirma ni Belmonte at hindi na kailangang basahin sa plenaryo ang kautusan bago maging epektibo. âHe (Ecleo) is dropped. Hindi na kailangang basahin sa floor. The secretary general will delete that upon orders of Speaker," paliwanag ni Gonzales. Sinabi naman ni Bobby Maling, director sa tanggapan ni Yap, na hindi na kasamang babasahin ang pangalan ni Ecleo sa roll call ng mga kongresista simula sa Lunes. Patuloy naman ang panawagan ng ilang kongresista kay Ecleo na sumuko at harapin ang mga kaso nito. âAs lawmakers, we must show that we are not above the law and we respect and uphold the rule of law," ayon kay YACAP party-list Rep. Carol Jayne Lopez "I pray that he'll be enlightened and will come out voluntarily before the arms of the law reach him," panawagan ni AGHAM party-list Rep. Angelo Palmones. - RP/FRJ, GMA News