Looking for the 2013 Election Results in Iloilo City? ▶
PNoy, dumalo sa pagtatapos ng 1st PHL International River Summit sa Iloilo City
Dinaluhan ni Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III nitong Biyernes ang pagtatapos ng kauna-unahang Philippine International River Summit na idinaos sa Iloilo City.
Tinalakay sa naturang pagtitipon na sinimulan nitong Miyerkules ang mga paraan kung papaano mapapanatiling malinis ang mga ilog.
Nagbahagi ng kani-kanilang ideya ang mga delegado mula sa iba’t ibang bansa, ayon sa ulat sa Balita Pilipinas Ngayon ni GMA-Iloilo Jason Gregorio.
Bukod kay Aquino, kabilang din sa mahigit 1,000 delikado na dumalo sa summit ang mga opisyal ng Pilipinas at maging ng ibang bansa.
Tinalakay sa summit ang kahalagahan ng ilog sa buhay ng tao
Matapos ang summit, binisita ni Aquino ang isang proyekto ng Iloilo River Development Council.
Inatasan din niya ang Department of Public Works and Highways na bumuo ng komprehensibong water resources plan. -- FRJ, GMA News

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement