GMA News Online NewsTV » Fashbook

Fashbook

Solenn Heussaff bilang school janitress sa 'Fashbook'

June 1, 2012 10:06pm
FASHBOOK
Fashbook Experiment: Solenn Heussaff bilang isang school janitress
Date of Airing: June 6, 2012
 
Ngayong Miyerkules, sino ang mapalad na mabibigyan ng isang fashion makeover ng Fashbook sa tulong ng host na si Solenn Heussaff?  Ang target na location: isang eskwelahan.  


 
Maghahanap ang Fashbook ng isang estudyanteng may ginintuang puso, isang kabataang karapatdapat na tawaging  " Fashbook Angel ."  At para malaman kung sinong estudyante ang  mahuhuling  may pagmamalasakit sa kapwa,  isang ekspermineto ang gagawin ng Fashbook na tinatawag na Fashbook Experiment o FX.
 
Sa Fashbook Experiment, kakailanganin ng Fashbook host, ang “It Girl” na si Solenn Heussaf na aralin ang buhay at trabaho ng isang school janitress. Aalamin niya ang tamang paraan mula sa paglilinis ng comfort rooms hanggang sa pagpupunas ng sahig at pagliligpit ng mga basura.  Bukod dito, mag-iibang anyo rin si Solenn. Sa tulong ng batikang movie prosthetic artist na si Cecille Baun, iibahin ang anyo ni Solenn para hindi siya makilala ng mga tao at malaya siyang makakapaghanap ng isang estudyanteng tunay na may ginintuang puso.  Sa gitna ng pagpapanggap ni Solenn, isa namang kakaibang eksena ang naghihintay sa kanya,  dalawang babae ang naatasan ng Fashbook na apihin siya!  Kung sino ang lumapit sa kanya para tumulong, siya ang tatawaging "Fashbook Angel" na bibigyan ng isang makeover. 
 
 Mapapanood ang Fashbook ngayong Miyerkules, ika-sampu ng gabi  pagkatapos ng SONA sa GMA News TV.



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus