Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

Jennica Garcia clarifies rumors linking her to Frank Magalona

June 2, 2012 1:44pm


Nabigla at natawa na lang si Jennica Garcia nang mabalitaang nali-link siya kay Frank Magalona.

Hindi raw talaga puwedeng maging sila ni Frank dahil going strong ang relasyon niya sa boyfriend niyang si Alwyn Uytingco.

Kinuwento ni Jennica sa press launch ng bagong GMA-7 afternoon drama na Kasalanan Bang Ibigin Ka? nuong May 29 na bigla siyang tinanong ng kanyang inang si Jean Garcia kung ano raw ba ang tungkol sa kanila ni Frank.

Sa pagkakaalam kasi ni Jean ay mag-on pa rin sila Jennica at Alwyn.

“Barkada lang po kami ni Frank. Actually marami kami sa isang group na parating lumalabas kapag may time kami.

“We go to coffee shops para mag-unwind at mag-relax.

“Nagkataon yata na may nakakita sa amin ni Frank na kaming dalawa lang sa isang coffee shop.

“Ang totoo po niyan may hinihintay talaga kami na ibang friends namin.

“Natawa nga rin si Frank kasi nga bigla siyang na-link sa akin.

“Kaya heto, nililinaw ko po na, ‘There’s nothing between me and Frank.’

“Kami pa rin ni Alwyn and almost two years na rin kami," paliwanag ni Jennica.

CLARIFICATION. Noong makarating nga raw kay Alwyn ang tungkol sa pagkaka-link ni Jennica kay Frank, natawa rin daw ito dahil kilala naman nito si Frank na barkada rin nila.

“Hindi pagseselosan ni Alwyn si Frank kasi magkakilala sila.

“Alam ni Alwyn na barkada si Frank at alam niya kung saan-saan kami tumatambay.

“Minsan po kasi nakakasama namin si Alwyn sa mga lakad naming barkada.

“Pero sometimes hindi, kasi nga busy siya sa sarili niyang trabaho.

“Updated naman si Alwyn sa mga ginagawa ko at alam niya ang mga nakakasama ko.

“Kaya he has nothing to worry about," ngiti pa ni Jennica.

Sa bagong afternoon drama series ng GMA-7 na Kasalanan Bang Ibigin Ka? makakasama ni Jennica sina Jackie Rice, Geoff Eigenmann at Michael de Mesa.

SEXY and DARING SCENES. Ang Kasalanan ay medyo sexy ang tema, magpapaka-daring din ba si Jennica at makikipagkumpetensya sa kaseksihan ni Jackie Rice?

“Naku hindi ko pa po kaya ang ganyan. Hindi para sa akin ang magpa-sexy. Ipapaubaya ko na ‘yan kay Jackie.

“Nasabi ko naman sa kanila na mag-concentrate na lang sila sa ibang bagay na kaya ko, kasi hindi ako effective na maging sexy.

“Mapapahiya lang ako!" sabay tawa niya.

“Paartehin na lang nila ako pero ang pagpapa-sexy, sa iba na lang nila ipagawa dahil alam nila na may mga limitasyon ako."

NO SEXY ROLES. Bukod nga sa sariling limitasyon ni Jennica, hindi rin daw pabor ang kanyang mga magulang na sina Jean at Jigo Garcia kung bigla na lang itong magiging daring sa isang proyekto.

“Ayokong pong magalit sa akin sila Mama at Papa.

“Promise ko sa kanila na hindi ako gagawa ng anumang bagay na hindi sila pabor.

“Para rin naman po sa akin, hindi ko pipilitin ang sarili ko sa isang bagay na hindi ko naman kaya.

“Kahit na sabihin pa nilang challenge iyon, still, kung hindi ko naman kaya at awkward ang pakiramdam ko, hindi na ako mag-attempt.

“Naintindihan naman ako ng staff ng show kasi alam nila na hindi ako puwede sa ganitong mga eksena.

“Hindi ako kasing-sexy ni Jackie. Tsaka iba ang confidence level ni Jackie.

“Nagawa na niya kasi ‘yan before kaya kayang-kaya na niya. E, ako, hindi pa talaga.

“Marami pa naman akong puwedeng gawin at doon na lang ako mag-concentrate," diin pa niya.

ALWYN'S TRUST. Tinuturo rin ni Jennica ang boyfriend niyang si Alwyn na isa sa mga hindi papayag kung magpapaka-daring siya.

“In fairness naman po kay Alwyn, hindi siya nakikialam sa nagiging trabaho ko.

“Lagi lang niyang sinasabi sa akin na may tiwala siya sa akin. Alam niya na I will make the right decisions para sa career ko.

“Siyempre naman at nirerespeto ko ang relasyon namin.

“At ayokong masira iyon dahil may nagawa akong hindi pabor para sa aming dalawa," pagtatapos ni Jennica Garcia. -- Ruel J. Mendoza, PEP
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus