GMA News Online
Showbiz

Ilang Kapuso stars, pasok sa FHM 100 sexiest women poll

June 3, 2012 3:12pm
Pasok na ang ilang Kapuso stars sa "100 sexiest" women sa kasalukuyang isinasagawang survey ng "For Him Magazine" o FHM.

Taun-taon isinasagawa poll ng FHM para sa labanan ng 100 sexiest women dito sa Pilipinas.

Noong nakaraang taon, pinangaralan si Sam Pinto bilang number one sa sexiest women in the Philippines sa naturang poll.   



Sa ulat ng Startalk noong ika-2 ng Hunyo, iba’t iba ang saloobin nang ilang mga Kapuso stars nang tanungin sila kung ano ang kanilang nararamdaman matapos mapabilang sa naturang women’s survey.

Ayon kay Jennylyn Mercado, "Happy ako kasi kahit papaano they find me still fit and sexy. Parang dalaga pa rin."

Pasok sa ika-7 na puwesto si Jennylyn sa "100 sexiest" noong taong 2011.

Ayon naman kay LJ Reyes na nasa ika-60 na pwesto noong nakaraang taon, "Ang dami kasing kalaban kasi ang dami-dami naman talagang sexy girls ngayon and 'yun, natutuwa rin ako na nandoon din sila, yung mga friends ko."

Gayundin, pasok din sa kasalukuyang women’s survey si Solenn Heussaf. Ayon pa sa kanya, honored daw siya kapag pasok siya sa top 10.

Aniya, "Siyempre, kailangan kapag sa Showbiz ka, kailangan ka mag-effort sa katawan, so kapag nasa top 10 ako, very honored ako."

Pinangaralan siyang ika-5 sa 100 FHM sexiest women noong nakaraang taon.

Ayon naman kay Bella Padilla, tingin niya ang kanyang legs ang  nagdadala sa kanyang pagiging sexy.

Aniya, "I think 'yung legs ko. Kaya lagi akong naka-shorts, lagi akong naka-dress, kasi I love my legs."

Sa dami ng Kapuso stars na nakapasok sa Top 100 as of May 25, 2012, hindi pa rin natitinag sa unang pwesto si Sam Pinto.

Ayon pa sa kanya, "Ayon, Overwhelming. I hope, siyempre, laban pa rin ito. I hope they continue supporting me in FHM 100 sexiest."

Nang makapanayam ni Joey De Leon si Sam sa Startalk noong Hunyo 2, masaya raw ang aktres na number one pa rin siya sa naturang kompetisyon.

Aniya, "Of course, happy and I'm very thankful to everybody who supported me. Super thank you especially to my fans, Sa Sam Pinto Circle. Grabe talaga suporta nila."

Dagdag pa niya, honored daw siya kapag muli itong pangangaralang number 1 sexiest woman ng FHM para sa taong 2012.

Wika pa ni Sam, "Of course naman po. It would be an honor to me to hold that title again. So, why not?"

Sa Hunyo 5 naman ang huling araw ng botohan. Maaaring bumoto sa official website ng FHM Philippines o sa pamamgitan ng text. Mac Macapendeg /LBG, GMA News
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus