GMA News Online Ulat Filipino » Davao

Target na mahigit 1 milyong estudyante sa Davao Region, ‘di pa nakakamit

June 5, 2012 8:29pm

Tags: Davao City
Davao students hold class in stockrooms, covered courts
Davao students hold class in stockrooms, covered courts. As thousands of students attend their first day of class in Davao City, covered courts and old stockrooms are being utilized to compensate for the lack of classrooms in Sta. Ana National High School. Karlos Manlupig
Inaasahan na dadami pa ang mga mag-aaral na magsisiksikan sa ilang eskuwelahan sa Region 11 o Davao Region dahil hindi pa umano nakakamit ang inaasahang bilang ng mga estudyanteng magpapatala ngayong pasukan.

Sa ulat ni GMA-Davao reporter John Paul Seniel sa Balita Pilipinas Ngayon nitong Martes, sinabing inaasahan ng mga opisyal ng Department of Health sa Region 11 na marami pang estudyante ang hahabol para makapagpatala.

Ang DepEd Davao City Division umano ang nangunguna sa mga lugar sa Region 11 na may pinakamaraming na enrollees sa ngayon. Sa kindergarten, umabot umano sa 15,268 ang nagpatalang estudyante.

Sumunod naman dito ang Davao del Sur na may 10,316 pupils at pumangatlo ang Compostela Valley na 9,162 pupils.

Sa elementarya, nanguna rin ang lungsod ng Davao sa dami ng enrollees na umabot sa 158,469 pupils.

Pero ang naturang bilang ay kulang pa sa target nilang 1.024 milyong estudyante mula sa preschool, elementarya, hanggang high school, ayon sa DepEd.

Bukod sa mga huling nagpapatala, naging problema rin umano sa pagbubukas ng klase ang mga magulang na nagpipilit na ma-enroll ang kanilang mga anak sa paaralang siksikan na, gayung pwede naman silang i-enroll sa ibang paaralan na mas maluwag.

Subalit sa pangkalahatan, naging maayos naman umano ang pagbubukas ng klase sa Region 11 nitong Lunes. – FRJ, GMA News

Tags: Davao City



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement
advertisement
advertisement