'Octopus Man' at magkapatid na biktima ng Sendong sa 'Wish Ko Lang'
Airing Date: June 9, 2012
Ang tulad niya ay makikita mo lang ang gaya niya sa komiks o bilang sentro ng atensiyon sa mga peryahan.
Ang kakaibang kondisyon ni Rudy Santos, na tinaguriang "octopus-man" dahil may mga sobrang galamay siya na bahagi ng kanyang katawan, ay naging pala-isipan sa mga eksperto sa larangan ng medisina at pati mga banyaga mula sa isang sikat na international TV channel.
Ayon kay Mang Rudy, dapat daw ay may kakambal siya ngunit hindi ito nabuo at hindi na rin humiwalay sa katawan niya, ang tawag rito ay “parasitic twin”. Hindi naman daw dapat siyang ituring na kakaiba, ang panglabas lang daw niya ang hindi pangkaraniwan dahil siya rin ay may puso na may kakayahang umibig. Nakapag-asawa, nagka-anak at namuhay ng tahimik. Ngunit ngayon, sa edad na sisenta (60), retirado na sa peryahan si Mang Rudy at nalugi ang kabuhayang tindahan nila, hanggang sa naimbita si misis ng mga kaibigan na mamasukan sa Maynila.
Labag man sa kalooban, ang ilaw ng tahanan na ang kumayod sa kanila. Paglipas ng ilang buwan, nahirapan ang pamilya dahil ito ang unang pagkakataon na mawalay si Aling Evelyn. Humiling si Mang Rudy na sana ay matulungan sila para magkakasama na silang mag-anak.
Biktima ni Sendong, Kamusta na Ngayon?
Sa Iligan, makalipas ang limang buwan, pinipilit bumangon ng mga nabiktima ng bagyong Sendong. Ang mga nawalan ng bahay ay pansamantalang nakatira ngayon sa “Tent City” kung saan ang bawat pamilya ay may kanya-kanyang tolda at nirarasyonan lang ng pagkain isang beses kada linggo.
Dito rin matatagpuan si Honeylyn at kanyang nakababatang mga kapatid (7 and 9 yrs old). Mapait na kabanata ang trahedya sa kanila, dahil ito ang dahilan kung bakit nawalay sila sa kanyang mga magulang at dalawang kuya.
Noong kasagsagan daw ng bagyo, iniligtas daw sila ng kanyang kuya at pina-akyat sa ibabaw ng isang mataas na bahay. Pagkatapos, binalikan daw nito ang kanilang mga magulang at isa pang kapatid pero sabay sabay daw silang nabagsakan ng troso. Hindi na niya nakita silang muli at malabong nakaligtas daw ang kanyang mga kaanak.
Mula noon, sa edad na disinuebe si Honeylyn na ang umako ng responsibilidad bilang magulang sa kanyang mga kapatid. Hindi niya alam kung mabibigyan ba niya sila ng magandang kinabukasan dahil siya mismo ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Ang kapalaran nila ay umaasa lang kung may darating na tulong sa kanila.
Yan ang mga kuwentong dapat abangan sa Wish Ko Lang ngayong Sabado (June 9), 4:30 pm pagkatapos ng Startalk. Maaring sundan ang Wish Ko Lang sa Facebook at Twitter.

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
| Wish Ko Lang on Facebook | |
| @WishKoLangGMA | Wish Ko Lang on Twitter |
Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement