GMA News Online Ulat Filipino » Cebu

3 batang magkakapatid na inutusang magbanlaw ng damit sa sapa, nalunod

June 6, 2012 9:22pm
Trahedya ang inabot ng tatlong magkakapatid na may edad walo, anim at apat, nang malunod ang mga ito sa isang sapa na hindi kalayuan sa kanilang bahay sa Aloguinsan, Cebu.

Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Miyerkules, sinabing ang tatlo ay inutusan ng kanilang ina na bagong panganak na si Maribeth Flores na magbanlaw ng damit sa sapa noong Linggo ng hapon.

Ang lolo ng mga bata na si Mang Carlito Tangkay ang nakakita sa mga biktima na nakalubog na sa tubig nang mapadaan ito sa sapa.

Hinala ni S/Insp. Jaime Tolentino, hepe ng Aloguinsan police, posibleng naligo rin ang mga bata sa sapa na dahilan ng kanilang pagkalunod.



Bagaman may kapabayaan si Maribeth sa nangyari sa mga anak, sinabi ng isang opisyal ng local social welfare development na hindi na dapat papanagutin ito sa nanangyaring trahedya sa kanilang pamilya.

Bukod sa mga tulong na ibinigay sa pamilya ni Meribeth, isasailalim din siya sa counseling at stress debriefing.

Samantala, pinag-aaralan naman ng lokal na pamahalaan kung dapat na nilang ipagbawal ang paglalaba sa sapa para hindi na maulit ang trahedya.-- FRJ, GMA News



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement