GMA News Online Ulat Filipino » Cebu

9-anyos na dalagita, ginahasa ng 5 menor de edad sa Cebu

June 7, 2012 9:08pm
Limang menor de edad ang inakusahan ng siyam na taong gulang na babae na gumahasa sa kanya sa Dumanjug, Cebu.

Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Huwebes, sinabing kinumpirma ng Women Desk ng Dumanjug Police na hinalay ang biktima.

Ang mga suspek ay sinasabing nasa edad na 12 hanggang 15.

Kuwento ng ina ng biktima, isinumbong sa kanya ng anak na dinala siya ng mga suspek sa isang kubo at doon naganap ang panghahalay.

Hindi na umano pumapasok sa klase ang biktima dahil sa trauma.

Samantala, hindi pa nahuhuli ang mga suspek.

Pupulungin umano ng Cebu Provincial Council for the Welfare of Children ang mga magulang ng suspek.

Sa ilalim ng kasalukuyang batas, hindi nasasampahan ng kaso ang mga menor de edad na nasasangkot sa krimen. Sa Kamara de Representantes, inaprubahan na ang panukalang batas na mag-a-amyenda sa Juvenile Justice and Welfare Act upang mapanagot na rin sa batas ang batang nasa edad 13 pataas na nasangkot sa krimen. -- FRJ, GMA News




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement