ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Pagwawakas ng My Beloved, inabangan, pinag-usapan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Inabangan at pinag-usapan ng mga manonood ang pagtatapos ng hit Kapuso primetime series na My Beloved nitong Biyernes ng gabi. Hindi pinalampas ng mga Kapuso ang magiging wakas ng pag-iibigan ng mga karakter na ginampanan ng real life sweetheart na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Katunayan nag-trending pa sa Twitter ang ending ng show na may hashtag na #MyBelovedFinale. Ilan sa mga nagpost ng comments sa Twitter nagpahayag ng kalungkutan sa ending ng series. @ayeehitskris : “#MyBelovedFinale nkakaiyak ung ending ng story..." ‏ @khissey: “ang ganda ng #MyBelovedFinale ..sayang at ganun lang kabilis ntapos:) God bless sa lahat ng bumubuo ng show:)." @umanian25: “Walang kamatayang pag ibig #MyBelovedFinale." ‏@heyyoAngelo: Nakakaiyak naman nung tumanda na sina Sharina at Joy. Tanya Garcia still looking amazing. :) #MyBelovedFinale." @mark_trent10 : napaka heartwhelming ng ending ng #MyBelovedFinale," @thisisherdan: “Galing iniba ung twist ng common ending ng telenovela." Samantala, matapos ang My Beloved, pahinga na muna sina Marian at Dingdong, ayon sa ulat ng Balitanghali nitong Biyernes. Lumipad patungong Canada si Marian para sa isang event ng GMA Pinoy TV, kunsaan makakasama niya doon si Dingdong, na manggagaling naman sa New York. Pagkatapos ng event sa Canada, tutulak patungong Spain ang magkasintahan para dalawin doon ang ama ni Marian. - FRJ, GMA News