ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

DepEd: Pacquiao, naging mabuting ehemplo sa pagtanggap ng pagkatalo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Naging mabuting ehemplo umano sa mga mag-aaral si Filipino boxing icon at Sarangani Rep. Emmanuel "Manny" Pacquiao sa kanyang pagtanggap at pagrespeto sa pagkatalo niya laban kay Timothy Bradley Jr., inihayag ng Department of Education nitong Lunes.
 
Sa ulat ng radio dzBB, inihayag ni Education Secretary Armin Luistro na dapat ituro sa mga paaralan ang naging asal ni Pacquaio nang matalo siya sa laban.
 
Pinuri ni Luistro ang naging pahayag ni Pacquiao noong Lunes (Manila time) kung saan inihayag niya ang kanyang pagrespeto sa naging desisyon ng mga hurado sa kabila ng paniniwala niyang dapat siya ang nanalo.
 
“I respect that (decision) but I believe I won the fight,” ani Pacquiao matapos ang kanyang laban.
 
Ayon kay Luistro, dapat gawin pa ring inspirasyon si Pacquaio ng mga Pilipino sa kabila ng kanyang pagkatalo.
 
Nitong Linggo, natalo si Pacquiao sa welterweight championship laban kay Bradley matapos ang 12-round na labanan sa Las Vegas via split decision.
 
Ikinagalit ng maraming boxing fans sa Pilipinas at sa buong mundo ang naging desisyon. — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News