ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
PNoy, tiwalang makakamtam ni Pacquiao ang 'even greater heights'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sa kabila ng kanyang pagkatalo sa pinakahuli niyang laban, mayroon pa ring pagkakataon si boxing icon Manny Pacquiao na makamtam ang "even greater heights," inihayag ni Pangulong Benigno Aquino III nitong Lunes.
Sa isang text message na binasa ni spokesman Edwin Lacierda, inihayag ng Pangulong: “I believe that Cong. Manny Pacquiao has been given [an] opportunity to reach even greater heights.”
Ayon kay Lacierda, “positive encouragement” umano ang naging pahayag ni Aquino para kay Pacquiao, na isa ring mambabatas sa House of Representatives.
Tinanggap ni Pacquiao ang kanyang pagkatalo ngunit nais pa rin niyang magkaroon ng rematch sa darating na Nobyembre.
Nitong Linggo, natalo si Pacquiao sa welterweight championship laban kay Timothy Bradley Jr. matapos ang 12-round na labanan sa Las Vegas via split decision.
Sa kanyang pagkatalo, napagtibay ang umano'y "16th fight curse" ni Pacquiao kung saan ang Filipino icon ay natatalo sa kada-16 ng kanyang mga laban mula noong una siyang natalo ni Rustico Torrecampo noong 1996.
Sa kabila nito, inihayag ng Malacañang nitong Linggo na patuloy pa ring susuportahan ng mga Pilipino si Pacquiao.
"Sa kabila ng pagkabigo ni Manny Pacquiao depensahan ang WBO welterweight belt laban kay Timothy Bradley, hindi pa rin natitinag ang suporta ng samabayanang Pilipino sa 'Pambansang Kamao'," ani deputy presidential spokesperson Abigail Valte sa panayam ng radio dzBB.
Ayon sa kanya, sa kabila ng kanyang pagkatalo, maaari pa ring bumangon pabalik si Pacquiao. — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News
Tags: mannypacquiao, noynoyaquino
More Videos
Most Popular