Looking for the 2013 Election Results in Pangasinan? ▶
Pagkasunog ng eskuwelahan sa Pangasinan, iimbestigahan
Isang fact-finding committee ang binuo ng Sangguniang Bayan ng Bayambang, Pangasinan upang imbestigahan ang naganap na sunog sa Bayambang Central School.
Ang pagbuo ng komite ay napagkasunduan ng mga lokal na opisyal para maalis umano ang mga maling hinala tungkol sa naganap na pagkasunog ng Gabaldon building ng Bayambang Central School.
Sa mosyong inihain ni Councilor Angelito de Vera, sinabi nito na sa pamamagitan ng fact finding committee ay masusing maiimbestigahan ang nangyaring sunog.
Inaasahang maliliwanagan umano ang mga taong gumagawa ng mga haka-haka hinggil sa nangyaring insidente noong nakaraang linggo. (Basahin: Paaralan sa Bayambang, Pangasinan, nasunog)
“First, na sinadya raw sunugin; pangalawa, we want to pressure them daw para lumipat na lang sila sa ibang lugar," kwento ni de Vera tungkol sa ilang kumakalat na espekulasyon.
Sinabi ng konsehal na maaaring manood sa gagawing pagdinig ang mga residente ng Bayambang para mapatunayang walang nangyayaring cover-up.
Sa Huwebes ay sisimulan ang imbestigasyon at kabilang sa mga ipatatawag ay ang mga tauhan ng pulisya at ng Bureau of Fire Protection, principal ng paaralan at mga magulang. – CVictorio/FRJ, GMA News

Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement