ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Where are the boys?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Hindi ito tanong ng girls na naghahanap ng date. Tanong ito ng mga guro na taun-taon, tuwing pasukan, ay napapansing nababawasan ang kanilang mga tinuturuang batang lalaki.
 
Ayon sa Department of Education, sa bawat sampung lalaki, pito ang tumitigil sa pag-aaral sa elementarya. Pagdating ng high school, tumataas ito sa siyam.
 
Noong 2011-2012, pito sa bawat 10 babae ang nasa high school, habang anim lang sa mga lalaki.  At Sa buong populasyon ng mga babae, 25% ang nagtatapos ng kolehiyo, at 20.8% lang ng mga boys.
 
Pangunahing dahilan dito ay ang mga magulang na maagang kinakalakal at isinisingkaw sa trabaho ang kanilang mga anak. Sa halip na pag-aralin, agad silang inaatasan na kumita para sa pamilya. Kasunod nito ay ang kawalan ng interes na mag-aral, at kakulangan sa baon. 
 
Mas angkop din daw sa nagbabagong panahon ang pagpapalaki sa mga batang babae, kaya mas mataas ang bilang nila na nananatili sa paaralan. 
 
Dahil sa mga ito, dominado na ng mga babae ang managerial positions sa gobyerno at sa pribadong sektor.
 
Weaker gender na nga ba ang Pinoy boys? Alamin iyan sa Investigative Documentaries kasama ang beteranang investigative journalist na si Malou Mangahas sa Huwebes, ika-walo ng gabi sa GMA News TV Channel 11.