GMA News Online Showbiz » Chika Minute

Ilang artista at kilalang personalidad, dumalo sa Pinoy Pride Ball

June 13, 2012 4:21pm
Nagsama-sama ang ilang mga kilalang celebrities at socialites sa Pinoy Pride Ball na inilunsad ng isang magazine nitong Martes ng gabi sa Makati City.

Ang Pinoy Pride Ball ay isinagawa ng Mega Magazine bilang paggunita sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan.

Sa ulat ni showbiz reporter Cata Tibayan sa GMA News Saksi nitong Martes, sinabing isa sa mga inabangang bahagi ng selebrasyon ay ang pagpapakilala sa mga Pinoy na sumikat sa buong mundo.

Ilan sa mga ipinakilala at binansagang Global Pinoys na naging tanyag sa kani-kanilang larangan ay sina:

1. Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao,
2. Broadway at Tony Award winner na si Lea Salonga,
3. Businessman at Bench owner na si Ben Chan, at
4. Cannes Award winning Film Director Brillante Mendoza.

Ilang Kapuso stars din ang dumalo sa naturang ball. Kabilang dito sina Sheena Halili, Joyce Ching, Enzo Pineda, at Rocco Nacino.



Nandoon din ang mag-asawang Richard Gomez at Ormoc Rep. Lucy Torres-Gomez, ang magkapatid na sina Daniel at Vanessa Matsunaga, at si Angel Aquino.

Namataan din ang actor-director na si Albert Martinez, at si Onemig Bondoc na kasama ang kanyang maybahay na si Vanessa.

Dumalo rin ang ‘eventologist’ at Kapuso TV host na si Tim Yap, na suot ang isang makabagong Jose Rizal look na may kasamang sumbrero na tulad sa pambansang bayani.

Ayon kay Tim, “Dahil proud ako [na] lumaki at isinilang dito sa bansang ito. Napakarami nang magagandang bagay na dapat i-celebrate. Hindi perpekto ang buhay pero ang mga tao masaya."

“Filipino kasi, masipag, matiyaga, at kahit anong kahirap, pinipilit gawain. So, that’s why I’m proud of being Filipino," pahayag naman ni Onemig.

Tampok din sa naturang okasyon ang fashion show ng Dubai based designer na si Furne One, ayon sa Tweet ng magazine editor na si Cheryl Tiu.




Nakita ang ilang obra ni Furne sa tv show na Germany’s Next Top Model kung saan ang supermodel na si Heidi Klum ang host. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News


We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement