Ang mambabatok na Kalinga at pagkamusta kay Mico, ang binatilyong sinabuyan ng asido sa 'Wish Ko Lang'
Airing Date: June 16, 2012 Sa kabundukan ng Kalinga, isang tribo ang tanyag sa buong mundo dahil sa paraan nila ng pag-ta-tattooo. Pagbabatok ang tawag nila sa ritwal na pagmamarka sa katawan. Ang isa sa mga natitirang mambabatok ay ang nobenta’y dos anyos na prinsesa ng tribo na si Fang Od. Ngayon, dinadayo siya ng marami maging mga banyaga dahil malaking karangalan daw na gawing obra ang kanilang balat. Pero dahil malayo sila sa kabihasnan, tama bang pagbabatok na lamang din ang kanilang maipamamana sa mga kabataan ng kanilang tribo? At sino ang makakalimot sa katapangan na ipinamalas ni Mico, ang binatilyong nasabuyan ng asido. Matapos maitampok dito sa aming programa ang kalbaryong kinaharap niya, marami ang humanga sa kaniya. Habang ang iba nama’y agarang tulong ang ipinangako. Kaya sa muling pagbisita sa kanya, alamin ang mga naghilom na sa kanyang buhay. Tunghayan kung ano ang sorpresa ang nag-hihintay sa mga ka-tribo ni Wang Od at maki-balita sas pagpapa-gamot ni Mico. Abangan sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagktapos ng Startalk sa GMA-7. Mga Kapuso, i-like ang Wish Ko Lang sa Facebook at i-follow rin sa Twitter!