Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

Isabel Oli on her love life: 'Mas okay pa ang single'

June 14, 2012 4:01pm

Tags: James Yap


“Wala, wala e… dyusko, Lord! Mas okay pa ang single."

Ito ang sagot ni Isabel Oli nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang lovelife sa presscon ng GMA-7 afternoon soap na Faithfully noong Lunes, June 11.

Sabi ng aktres, walang nanliligaw sa kanya ngayon.

“Wala din, wala, wala talaga."

JAMES YAP. Paano niya na-handle at finally ay natapos ang isyu sa kanila ni James Yap? There was a time na na-link sila ng dating mister ni Kris Aquino.

“Wala, deadma lang. ‘Pag may sinasabi sila, ‘Bahala kayo.’ ‘Pag may party, ‘Let’s go to the party!’"

Hindi pa rin alam ni Isabel kung bakit sila na-link ng basketbolista.

“Friends kami, oo friends talaga."

MARCO ALCARAZ. Magkaibigan din daw sila ng ex-boyfriend niyang si Marco Alcaraz, na ikakasal na kay Precious Lara Quigaman sa July.

“Oo nga, e. I’m so happy for him," sabi ni Isabel tungkol sa dating kasintahan.

A-attend ba si Isabel sa wedding?

“Hindi ko alam, hindi... wala naman akong invitation, e!" tawa niya.

Dati pa raw niyang alam na ikakasal na ang dalawa.

“Alam ko yun, e. Kasi, kailan ba yun, party ng anak ni Valerie [Concepcion], 'tapos nag-usap kami kaya alam ko."

Nandun si Lara sa party?

“Nandun, nandun din siya."

Dati na raw silang magkakilala ni Lara.

Kahit nung nagkaroon ng relasyon sina Marco at Lara ay nakikita raw niya ang mga ito.

“Oo, ilang beses na kaming nagkikita sa mga events."

Kaya with all sincerity ay masasabi ni Isabel na masaya siya para sa dalawa.

“Sobra, sobrang happy, as in sobra kasi sobrang good friends kami ni Marco."

Ano ang wish ni Isabel para sa dalawa?

“Ay naku, ayan, di ba, finally! Sana, sana si God yung center sa relationship nila lagi.

“And kung may konting tampuhan or whatever, maaayos yun sa usapan lang."

WHAT ABOUT ISABEL? Hindi ba siya naiinggit?

“Hindi! Oh, my God, hindi talaga."

Wala pa ba sa isip niya ang mag-asawa?

“No! Ayoko."

Ni wala nga raw siyang suitors.

“Hindi rin siguro ako nag-e-entertain kaya siguro ganun."

Gaano katagal na siyang walang boyfriend?

“Seven months."

Her last relationship was with Gab Valenciano.

Magkaibigan ba sila ni Gab?

“We’re not enemies, pero hindi rin kami friends.

“Walang communication, pero hindi rin kami enemies."

Faithful ba si Isabel?

“Sobra akong faithful. Sa relationship, sa boyfriend, never akong nagloko."

So, ang mga guys ba ang nagiging unfaithful sa kanya kaya nagwakas ang mga relationships niya in the past?

“Hindi ko sinabi!

“Hindi lang siguro nag-work out… pero ewan ko sa kanila!" natatawang sagot ni Isabel. -- Rommel Gonzales, PEP

Tags: James Yap



advertisement
advertisement
advertisement