GMA News Online Public Affairs » Born to be Wild

Born to be Wild

Mga peligrong kinakaharap ng mga mangingisda ng tuna

June 15, 2012 7:31pm
Noong Enero 2010, nagpataw ng dalawang taon na tuna fishing ban ang organisasyong Western and Central Pacific Fisheries Commission sa ilang parte ng Karagatang Pasipiko, kung saan hinuhuli ang 60 porsyento ng tuna na ibinebenta sa buong mundo. Ipinataw ang ban para muling paramihin ang mga tunang matatagpuan dito, gaya ng bigeye at yellowfin tuna.
 
Inalis na kamakailan ang ban na nagbabawal sa tuna fishing sa tinatawag na Pacific high seas. Malaking tulong daw ito sa mga Pilipinong mangingisda, partikular sa mga mangingisda ng General Santos City, na umaasa sa panghuhuli ng tuna para sa kanilang pangkabuhayan. 
 
Maraming peligro raw ang hinaharap ng mga mangingisdang ito, na minsa'y tumatagal nang dalawang linggo sa laot para lang makahuli ng tuna. Para maintindihan ang pinagdaraanan ng mga mangingisda ng tuna, sumama si Doc Nielsen Donato at ang Born to be Wild team sa kanila sa loob ng limang araw at limang gabi. 
 

Sa kanilang pagsama sa mga mangingisda, nalaman nina Doc Nielsen ang hirap na pinagdaraanan ng ilan sa kanila. Bukod sa peligro ng malalakas na alon at sama ng panahon, hinaharap din ng ilan sa mga ito ang peligro na makabangga ang iba pang mangingisdang naghahanap ng huli. Nitong taon lang, isang mangingisda mula sa Zamboanga City ang napaulat na pinatay matapos makaaway ang isang grupo ng mangingisda. 
 
Pero sa kabila ng mga ito, patuloy pa ring ibinubuwis ng mga mangingisdang ito ang kanilang buhay para manghuli ng tuna na bubuhay sa kanila at sa kanilang pamilya. 
 
Panoorin ang pagpapatuloy ng Tuna Wars sa "Born to be Wild," ngayong Miyerkules, June 20, pagkatapos ng Saksi sa GMA-7.
 
Photos by Doc Nielsen Donato. Produced by Candice Montenegro for GMA News Online.



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Born to be Wild on Facebook
Born to be Wild on Twitter
advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement