ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Naipit sa Peligro sa 'Rescue'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Rescue "Naipit sa Peligro" Airing Date:  June 21, 2012 Alas sais ng umaga noong ika-13 ng Hunyo, isang malagim na aksidente ang naganap sa Rosario, Pasig. Isang drayber, naipit sa sarili niyang truck! Nakakambiyo diumano ang truck nang subukan ng biktima na paandarin ang makina habang siya ay nasa labas nito. Sa pag-andar ng truck… naipit ang biktima at bumangga sa isa pang katabing sasakyan! Agad na rumesponde ang Pasig Rescue team para hugutin siya sa maliit na puwang na kinalalagyan.  Extrication ang tawag sa prosesong ito kung saan mabusisi at maingat na hinuhugot ang isang taong naaksidente at naipit sa mga nayuping sasakyan. Paano pinaghahandaan at hinaharap ng mga rescuers ang ganito kahirap na operasyon? Ano ang mga dapat mong tandaan sakaling ikaw mismo ang maipit sa ganitong sitwasyon? Paano ka makatutulong kung maging saksi ka naman sa ganitong klase ng aksidente? Alamin ang mga sagot, huwag palalampasin ang RESCUE, Huwebes ng gabi pagkatapos ng Saksi! I-like ang Rescue sa Facebook at i-follow rin sa Twitter!
Tags: roadaccident