Muling pagkikita ng mag-asawang Claudine at Raymart, at nakaalitang si Mon Tulfo, naging mapayapa
Nagkaharap na sa kauna-unahang pagkakataon ang mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago ang nakaalitan nilang veteran journalist na si Mon Tulfo sa Pasay Regional Trial Court nitong Lunes.
"Mabuti at humarap naman sila at sinusunod nila ang proseso ng batas," pahayag ni Mon sa ulat ni Nelson Canlas sa GMA News TV's Unang Balita nitong Martes.
Tila nagkakaiwasan umano ng tingin ang mag-asawa at si Mon nang magkaharap sila sa korte. Ito ay kaugnay sa naganap na sakitan sa kanila noong nakaraang buwan sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Ayon kay Claudine: "Halu-halo 'yong nararamdaman namin. Siyempre bumalik 'yong ala-ala ng ginawa niya sa amin."
"Nasa korte na ito at 'yong mga lawyers na rin ang bahala doon," dagdag naman ni Raymart,
Sa inihaing joint counter-affidavit ng mag-asawa, pinabulaanan nila ang mga kasong isinampa sa kanila ni Mon na physical injuries, grave coercion, at grave oral defamation.
Kasama rin sa kontra salaysay ng mag-asawa ang kopya ng ilang internet based articles at TV programs na nagpapakita umano na paiba-iba ang naging pahayag ng batikang mamamahayag.
Naghain naman ng amended complain ang kampo ni Mon para gawing attempted homicide ang kasong physical injuries.
Nakahanda naman ang kampo ng mag-asawa na sagutin ang paratang na ito ni Mon.
Iginiit ni Raymart na wala siyang armas na dala nang maganap ang naturang gulo sa airport.
Hiniling naman ng kampo ni Tulfo na ipatawag sa korte ang ilang saksi sa naturang sakitan. Kabilang na rito ang Customs personnel na si Marlon Atengco, na nag-upload umano sa Youtube ng video tungkol sa kaguluhan.
Ayon kay Atty. Alex Avisado, abugado ng mag-asawang Claudine at Raymart, wala raw sapat na halaga ang isinumiteng video ng kampo ni Mon.
"Wala pong probative value 'yong mga video na sinumbit nila kasi hindi nila na-authenticate [ang video]. Wala po silang taong pinrisenta rito sa prosecutor na nagpapatunay na siya ang kumuha ng video na iyon," paliwanag niya.
Nakatakdang magharap muli ang dalawang kampo sa Hulyo 3, 2012. -- Mac Macapendeg/FRJ, GMA News

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement