ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Baby ni Pia Guanio: ‘It's going to be a girl.'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Masayang ibinalita ng ‘Chika Minute’ host ng 24 Oras news na si Pia Guanio na babae ang magiging unang baby nila ng kanyang mister na si Steve Mago "And finally we found out na siya ay magiging isang mini me. It's going to be a girl," pahayag sa 24 Oras ni Pia na nasa ika-pitong buwan ng kanyang pagbubuntis. Kuwento niya, noong una ay ayaw pang magpakita ng kanyang anak nang kanila itong ipa-ultrasound. Ngunit sa pagtitiyaga ay nagpakita rin ang baby at dito na nila nalaman na isa itong girl. Ipinakita ni Pia sa 24 Oras ang mga litrato ng malusog na baby sa isinagawang ultrasound sa kanya. "Very very well. Wala siyang congenital problems, her weight is fine, she has ten fingers and ten toes. So, I'm very thankful that she is very healthy," pahayag niya. Bukod sa healthy ang baby, maayos din nang kalagayan ni Pia. Katunayan ay patuloy pa rin siyang nakapagtatrabaho. Sa ngayon, wala pa raw silang naiisip ni Steve na ipapangalan sa baby dahil ang una nilang pinaghandaan ay name na panglalaki. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News

Tags: piaguanio