ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Isang barangay sa Iloilo, hinagupit ng buhawi
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isang barangay sa Leganes, Iloilo ang hinagupit ng buhawi nitong Linggo, ayon sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV. Isang bahay sa Barangay Cari Mayor, Leganes na gawa umano sa light material ang nawalan ng bubong matapos itong tangayin ng malakas na hangin. Sa kabila nito, wala namang iniulat na nasaktan o nasugatan sa naturang paghagupit ng buhawi. Nitong nakaraang buwan, inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical Astronomical Services Administration, na magsasagawa ito ng pag-aaral sa dumadalas na pananalasa ng buhawi partikular sa lalawigan ng Bulacan. Tinatayang 50 bahay ang nasira nang manalasa sa bayan ng San Miguel ang buhawi noong nakaraang buwan. - FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular