Michelle Madrigal, wala raw balak iparetoke ang katawan
Nagulat ang Kapuso sexy star na si Michelle Madrigal tungkol sa kumalat na balita na plano niyang magparetoke ng katawan para sa sexiest woman’s list ng isang men’s magazine. Sa panayam ni showbiz reporter Lhar Santiago sa Chika Minute ng 24 Oras news nitong Martes, sinabi ni Michelle na kontento na siya sa katawan niya ngayon kaya wala siyang balak na magparetoke. Bukod dito, ilang beses na rin naman daw siyang rumampa para sa nasabing men’s magazine. Sa ngayon, happy at excited ang dating Survivor Philippines castaway sa kanyang bagong project na Faithfully. Challenging daw ang role na kanyang gagampanan sa naturang soap kung saan kasama niya sina Maxene Magalona, Isabelle Daza, Vaness del Moral at Isabel Oli. Inamin naman ni Michelle na tatlo sa kanyang naging karelasyon ang nahuli niyang hindi naging faithful sa kanya. “’Pag nangyari sa ‘yon ang sakit ‘di ba? Pero kung paano ka naman mag-move on and kung paano ka magpatawad, yun naman lagi ang lesson nun," pahayag niya. -- FRJimenez, GMA News