Looking for the 2013 Election Results in ARMM? ▶
Pagbisita ni PNoy sa Davao, sinalubong ng protesta

PNoy in Davao ARMM meet, talks about missing Jordanian journalist. President Aquino (center) tells journalists at a press conference in Davao City on Wednesday that Jordanian journalist Baker Abdulla Atyani must explain what happened in Jolo. Aquino attended the ARMM convention on local governance.
Ryan Lim
Nagtungo sa Davao City si Aquino para dumalo sa pagtitipon ng ARMM Convention on Good Governance na pinamunuan ni acting governor Mujiv Hataman.
Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV, sinabing nagkagirian ang mga pulis at demonstrador na nais makalapit sa kinaroroonan ng pangulo.
Iginiit ng mga nagpo-protesta na nais nilang maiparating kay Aquino ang kanilang hinaing at pagtutol sa planong pagsasapribado ng water at power resources ng Mindanao.
Lalo pang uminit ang tensiyon sa lugar na kinaroroonan ng mga pulis at demonstrador nang paparating na umano ang convoy ng pangulo.
Sa naturang pulong, tinalakay ang iba’t ibang hakbang ng pamahalaan para sa mabuting pamamahala sa ARMM. -- FRJ, GMA News
Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement







