GMA News Online NewsTV » Investigative Documentaries

Investigative Documentaries

Name game sa 'Investigative Documentaries'

June 20, 2012 9:42pm
INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES
NAME GAME
Airing date: June 21, 2012


 
Nakakita ka na ba ng isang Golezeum? Nakapasyal ka na ba Ynares Center? Nakakita ka na ba ng sapatos para sa mga paslit na may tatak na LRay? Ang mga paslit sa inyong pamilya ay pumapasok ba sa gusaling may pangalan ng politiko? Batbat ba ng pangalan ng politiko ang bawat lakaran mo? 

Isang road trip ang handog ng ID sa inyo ngayong Huwebes. Gagalugarin natin ang Luzon mula National Capital Region, patungong Ilocos sa Norte hanggang Bicol. Ipakikita ng programa ang ang iba’t ibang pampublikong imprastraktura, kalsada, paaralan at maging barangay na nakapangalan sa politiko.
 
Kung tutuusin, pera ng taumbayan ang ginagastos sa bawat proyekto pero parang pag-aari ng mga pulitiko ang mga ito. May ilan pa nga, buhay pa pero may sariling gusali o lugar na sunod sa kanilang pangalan, na bawal sa batas.
 
Bakit kaya nakakalusot ang mga ito?
 
Kilalanin ang ilan sa mga pulitikong takot makalimutan ng publiko kaya’t ang kanilang apelyido ay ipinagsisiksikan sa mga proyektong trabaho naman talaga nilang gawin.
 
Manood ng Investigative Documentaries kasama ang beteranang investigative journalist na si Malou Mangahas sa Huwebes, ika-walo ng gabi sa GMA News TV Channel 11.


We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Investigative Documentaries on Facebook
Investigative Documentaries on Twitter
advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement