ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'Kayod Marino' ngayong June 25 sa 'Best Men'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa pelikula, nariyan ang grupong "Avengers" at "X-men" na tagapagtanggol ng mga mamayan laban sa puwersa ng kasamaan. Sa totoong buhay, may grupo rin tayo ng mga superhero na handang magbuwis ng buhay para sa kapakanan ng lahat. Kilalanin ang "The Few, the Proud, the Marines! Ang Philippine Marines o Hukbong Kawal Pandagat ng Pilipinas ay isang natatanging grupo sa Hukbong Sandatahan ng ating bansa. Hindi basta-basta ang kanilang ginagawang pagsasanay at pagdidisiplina sa kanilang mga hanay kaya naman itinuturing silang "elite force." Napapalibutan man ng karagatan ang isla ng Pilipinas, meron lamang tayong humigit kumulang 8 libong mga Marines sa buong bansa. Kaya naman nais din nilang makahikayat ng mga taong magboboluntaryo at susubok na mapabilang sa kanilang natatanging hanay. Kaya nga bang lagpasan ng isang ordinaryong tao ang training exercises ng mga Marines? Para malaman ito, pagdadaanan nila Jun V, Jace at RJ ang iba't ibang pagsasanay sa loob mismo ng Philippine Marine Training Facility sa Ternate, Cavite! Kilalanin din natin ang pinakamagaling na kadete sa kanilang batch na si Wilson Delgado. Si Wilson ang susukat sa kakayahan ng ating mga host bilang mga bagong recruit ng Marines. Sa hirap ng pinagdaraanan ng mga kadete dito, masasaksihan rin natin ang kanilang pambihirang emosyon, dahil sasamahan natin sila sa kanilang inaasam na graduation march. Lingid sa kaalaman ni Wilson, isang malaking surpresa angnaghihintay sa kaniya mula sa Best Men dahil sa kanyang pagsungkit ng number 2 ranking sa buong batch nila! Humanda na sa mga maaksyong eksena ng mga taong "Kayod Marino" ngayong Lunes 10:30 ng gabi sa GMA News TV Channel 11!  The Best talaga ang Monday, dahil ito ay Best Men Day!